Pagdagsa ng mga OFW sa Pilipinas ngayong pasko, tiniyak ng OWWA

Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administrator (OWWA) na handa ang kanilang ahensiya sa pagdagsa ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na uuwi ng Pilipinas para sa Pasko.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, nananatiling nasa manageable level ang hotel accommodation para sa mga returning workers.

Ang bilang ng mga OFWs sa government-sponsored hotels nationwide ay nasa 12,000 hanggang 13,000, kung saan 9,859 nito ay nasa National Capital Region, na nananatili sa 178 hotels.


Kasabay nito, tiniyak naman ni Cacdac apng pakikipagtulugan sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at sa One-Stop-Shop ng IATF kabilang ang Department of Transportation (DOTr), Department of Labor and Employment (DOLE) para sa pag-uwi ng mga Pilipino.

Maliban sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nagtayo na ang gobyerno ng ilang international ports of entry, gaya sa Laoag, Clark, Subic, Cebu, at Davao.

Facebook Comments