Pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal, paliparan at pantalan para sa Semana Santa, patuloy pa rin

Manila, Philippines – Patuloy rin ang pagdagsa ng mgapasahero sa mga terminal, paliparan at pantalan para gunitain ang Semana Santa.
  Ayon kay Manila International Airport Authority GeneralManager Ed Monreal –tumaas aniya ng 15-porsiyento ang dami ng pasahero sa apatna terminal ng NAIA nitong weekend kumpara sa normal nilang passenger volume.
  Inaasahang mas dadami pa ito simula bukas hangganghuwabes at tataas muli pagdating ng Easter Sunday (Abril 16).
  Ayon naman kay PCG Spokesman, Commander Armand Balilo –tinatayang aabot sa mahigit dalawang milyong pasahero ang seserbisyuhan ng mgabapor at ng iba pang sasakyang pandagat.
  Dagdag pa ni Balilo – ang bilang na ito ay mas mataas ngsampu hanggang 20 porsyento kaysa ng nakalipas na taon.
  Kasabay nito, fully booked na ang lahat ng biyahe ng mgaaircon bus sa araneta bus port para sa mga pasaherong magbabakasyon at uuwi sakani-kanilang probinsya ngayong Semana Santa.
  Sa tanya ng nasabing bus terminal, anim hanggang pitonglibong pasahero ang inaasahang dadagsa.
  Paalala ng Araneta Center bus port – dapat agahan ng mgapasahero ang pagpunta sa bus terminal na nagbubukas ng alas-5:00 ng umaga.
   

Facebook Comments