Naghahanda na ang Bureau of Customs at ang Port ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa inaasahang pagdagsa ng mga regalo at parcel ngayong Yuletide season.
Magaganap ito mula December 21,2021 hanggang January 1, 2022.
Sa ginanap na pagpupulong ng BOC, Port of NAIA at ng opisyal ng Philippine Postal Corporation (Philpost), napagkasunduan ng mga ito ang pagpapabilis ng pagproseso ng regalo at parcel sa pamamagitan ng Central Mail Exchange Center (CME) sa Port ng NAIA.
Layon naman ng gawain na mabago ang paraan ng pagproseso ng mga parcel para sa mas mabilis, ligtas at madaling pamamahagi sa buong bansa.
Facebook Comments