Pagdagsa ng mga tao sa Manila Bay, hindi lang kasalanan ng mga pulis ayon kay PNP Chief Camilo Cascolan

COURTESY: MAYOR ISKO MORENO FACEBOOK

May kasalanan o paglabag din ang mga taong dumagsa sa Manila Bay nitong weekend para makita ang bagong gawang Manila Bay white sand Baywalk.

Ito ang iginiit ni Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan matapos na sibakin sa pwesto ang hepe ng Manila Police Distict (MPD) Station 5 na si Police Lieutenant Colonel Ariel Caramoan.

Ayon kay Cascolan, ginawa niya ang pagsibak dahil sa command responsibility at wala siyang choice kundi sibakin ito batay sa patakaran sa PNP.


Pero mahirap naman kung sa pulis lang isisi ang pagdagsa ng tao sa Manila Bay.

Dapat aniya alam ng lahat na mayroon pa ring COVID -19 pandemic at may umiiral na quarantine community.

Giit ni Cascolan, dapat na makiisa naman ang publiko sa mga ipinaiiral na health safety protocols gaya ng social distancing at mass gatherings.

Sinabi pa ni PNP Chief na ang laban sa COVID-19 ay hindi lang laban ng pulis kundi laban ng lahat.

Facebook Comments