Pagdagsa sa bansa ng mga dayuhang turista, pinaghahandaan na ng BI

Pinaghahandaan na rin ng Bureau of Immigration (BI) ang inaasahang pagbubukas ng mga border ng bansa para sa mga dayuhang turista.

Partikular na tiniyak ng BI ang pagkakaroon ng sapat na immigration officers sa international airports.

Layon nito na maiwasan ang mahabang pila sa immigration counters sa mga paliparan.


Pinaghahandaan din ng BI ang posibleng pagpapalawak ng pamahalaan sa green list o ang pagluluwag ng quarantine protocols sa international travelers.

Ngayong Christmas season ay inaasahan din ang pagdating sa bansa ng mga Pilipinong balikbayan.

Facebook Comments