Pagdalaw ng imahen ng Itim na Nazareno sa iba’t ibang lugar sa Luzon, nagsimula na!

Nagsimula na ang pagdalaw ng imahen ng Itim na Nazareno sa iba’t ibang lugar sa Luzon.

Ayon sa pamunuan ng simbahan ng Quiapo, tatagal ang unang pag-ikot ng imahen hanggang sa December 15, at masusundan ito sa December 27 hanggang 29, matapos bigyang daan ang Simbang Gabi at ang Kapaskuhan.

Nakatakda itong umikot sa ilang simbahan at institusyon sa National Capital Region (NCR), Southern Luzon, Central Luzon, at Northern Luzon.


Isinagawa ang tinatawag na pagdalaw o ang pabisita ng imahen ng Itim na Nazareno sa iba’t ibang lungsod o probinsya para hindi na dayuhin pa ng mga deboto ang Pista nito sa susunod na taon sa Maynila.

Facebook Comments