CAUAYAN CITY- Naging mapayapa ang pagdalaw ng mga bisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay kahapon ika-31 ng Oktubre sa San Francisco Public Cemetery.
Sa panayam ng IFM News Team kay Direct Supervisor ng San Francisco Public Cemetery, Asley Palos, tinatayang nasa dalawang daang indibidwal ang nagtungo sa sementeryo upang magtirik ng kandila at bumisita.
Aniya, kaagapay nila sa pagbabantay ang anim na kapulisan ng Cauayan City Police Station kung saan wala namang naitalang nagdala ng mga ipinagbabawal na bagay sa loob ng sementeryo.
Makakasama naman sa mismong araw ng undas ang karagdagang tauhan mula sa Rescue 922.
Samantala, inaasahan namang dadagsa pa ang bilang ng mga bisitang magtutungo sa sementeryo sa mismong araw ng undas.
Facebook Comments