
Naniniwala ang isang propesor ng De Salle University na mas kongreto ngayong ang hakbang ng Estados Unidos para protektahan din ang kanilang interes sa Indo Pacific dahil sa agresyon ng China sa West Philippine Sea.
Sa ginanap na forum sa Quezon City, sinabi ni Dela Salle University Professor for International Relations Renato De Castro ang pagbisita sa bansa ni US Defence Sec. Pete Hegseth ay nagpapakita ng mas pinalalakas na kooperasyong ng Pilipinas at ng Amerika upang maihanda ang aktibong partisipasyon ng AFP para mapanatili ang kapayapaan sa Indo-Pacific Region.
Paliwanag pa ni De Castro na patunay dito ang pag-deploy ng isang short range missile system, pagsasagawa ng Joint Special Operations Training kasama ang Philippine Marines sa Batanes, na malayo man sa West Philippine Sea at malapit naman sa Taiwan.
Inilatag din ani De Castro ni Sec. Hegseth ang pagtatatag ng Joint US Defense Base para sa pagbuo ng weapons, pagkumpuni ng mga barko at iba pang hardware pandigma.
Mahalaga ang ipinakikita ngayong pagpapalakas ng alyansa ng Estados Unidos sa Pilipinas at sa Japan o ang pagpapatuloy ng trilateral partnership upang lalung mapalakas ang focus sa Indo Pacific Region . matapos kilalanin umano ng Amerika na ang China ang pinakamalakas na bantang pangseguridad sa Indo Pacific Region