Pagdalaw sa mga nakakulong sa Camp Bagong Diwa, pansamantalang ipinagbawal

Hindi muna papayagan ang anumang dalaw sa mga nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ito’y kasabay ng paglalabas ng hatol sa kaso ng Maguindanao Massacre ngayong araw.

Ayon kay NCRPO Chief, Brig/Gen. Debold Sinas, nagpatupad na sila ng lockdown sa Camp Bagong Diwa.


Sinabi ni Sinas na inihiwalay ng pwesto ang mga taga-suporta ng pamilya Mangudadatu at sa panig ng mga ampatuan.

Simula mamayang alas-7:00 ng umaga, ipagbabawal nang makapasok ang mga miyembro ng media.

Sasailalim sa Face Recognition Technology ang lahat ng papasok.

Bawal ding magbitbit ng mga armadong security ang mga High Profile Personality tulad ni Maguindanao Cong. Toto Mangudadatu.

Facebook Comments