Nilinaw ng Palasyo ng Malacañang na hindi mandatory ang pagdalo sa Bagong Pilipinas Rally sa Quirino, Grandstand ngayong linggo.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, ang attendance ng mga empleyado ng Palasyo ay boluntaryo at hindi sapilitan.
May mga napaulat kasi na nirerequire ang ilang mga kawani ng gobyerno sa naturang event.
Dagdag pa ng Palasyo na, ang kickoff rally libre para sa mga gustong dumalo at bukas para sa lahat.
Matatandaang noong July 2023, ay inilunsad ng pamahalaan “Bagong Pilipinas” bilang ang pangkalahatang tema at tatak ng pamamahala ng administrasyong Marcos.
Facebook Comments