Pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa World Economic Forum, makakatulong sa pag-improve ng kasalukuyang version ng Sovereign Wealth Fund

Iginiit ng ekonomistang si Dr. Michael Batu na isang magandang venue ang World Economic Forum para ipakilala sa ibang mga bansa ang Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay Batu, nabanggit ng pangulo ang ilang mga posibleng areas of investment para ipaalam sa mga ibang mga lider ang sovereign wealth fund.

Halimbawa, aniya sa MIF na ito ay ang directed investments sa agrikultura, digitalization, energy at climate change.


Kapag naipresenta na raw ng pangulo ang MIF ay maaari nang humingi ng payo ang presidente at matuto sa best practices kapag nasimulan na ang sovereign wealth funds.

Makakatulong din daw ito sa pag-i-improve at sa pagpipino ng current version ng sovereign wealth fund.

Ang panukalang Maharlika Investment Fund Act ay aprubado na sa third at final reading ng House of Representatives.

Sa ilalim ng panukala, nakasaad na ang MIF ay isang independent fund na nakabatay sa principles of good governance, transparency at accountability.

Ang source ng pondo nito ay magmumula sa investible funds ng mga piling government financial institutions (GFIs), mula sa contributions ng National Government, mula sa declared dividends ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at iba pang sources ng pondo.

Ang pondo ay i invest sa mga strategic at commercial basis para mapalakas ang top-performing government financial institutions.

Samantala, kaninang alas-12:00 ng tanghali dito sa Switzerland habang alas-5:00 ng hapon kahapon dyan sa Pilipinas ay ginanap na ang luncheon meeting ng pangulo kasama ang Philippine Chief Executive Officers sa Davos Switzerland.

Dito ay natalakay ang inaasahang full year gross domestic product o GDP growth para sa taong 2022.

Facebook Comments