Wednesday, January 28, 2026

Pagdalo ni PBBM sa impeachment hearing, nakasalalay sa payo ng legal team ng pangulo

Hindi pa napagpapasyahan kung dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa anumang pagdinig kaugnay ng impeachment complaint laban sa kanya.

Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, nararapat munang hayaan ang Kamara na gampanan ang tungkulin nito, partikular ang pag-aaral kung sapat ang batayan ng mga inihain na reklamo.

Mas mainam din aniya na hintayin muna kung magpapadala ng pormal na imbitasyon ang Kamara bago pag-usapan ang susunod na hakbang.

Sakaling magkaroon ng imbitasyon, ang magiging desisyon ng pangulo kung dadalo o hindi ay ibabatay sa rekomendasyon ng kanyang legal team.

Giit ng Malacañang, igagalang ng pangulo ang proseso, ngunit susundin nito ang nararapat na payong legal sa tamang panahon.

Facebook Comments