Pagdalo ni VP Sara sa SONA, hindi sapilitan

 

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, karapatan ni Vice President Sara Duterte na magpasya kung dadalo sya o hindi sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa July 22.

Diin ni Romualdez, hindi naman sapilitan ang pagdalo sa SONA ng pangulo.

Reaksyon ito ni Romualdez makaraang ihayag ni VP sara na hindi sya dadalo sa nalalapit na SONA ni PBBM.


Gayunpaman, ipinaalala ni Romualdez na ang SONA ay hindi isang simpleng event kundi isang mahalagang pagkakataon upang magka-isa at magtulungan ang mga lider ng ating bansa.

Tiniyak naman ni Speaker Romualdez na sa kabila ng hindi pagdalo ng ikalawang pangulo sa SONA ay patuloy pa ring makikipagtulungan ang Kamara sa iba’t ibang sangay ng gobyerno upang mapag-ibayo ang buhay ng mga Pilipino.

Diin ni Romualdez, ang pagkakaisa at pagtutulungan ay patuloy na magiging gabay ng Kamara.

Facebook Comments