Pagdami lalo ng bilang ng sasakyang bumabagtas sa EDSA habang papalapit ang Pasko, ibinabala ng MMDA

Nakararanas ngayon ng mas mabigat na daloy ng trapiko ang ilang bahagi ng Metro Manila habang papalapit ang Pasko.

Ayon sa MMDA, tumaas kasi sa 417,000 ang bilang ng sasakyan na bumabagtas sa EDSA mula sa pre-pandemic data na 405,000.

Babala naman ni MMDA chairperson Romando Artes, posibleng umakyat pa ito sa 430,000 kaya inabisuhan nito ang mga pasahero at motorista na maglaan ng dalawang oras sa pagbiyahe sa EDSA.


Samantala, sinabi rin ni Artes na hindi na hahatakin ng tow truck ang mga masisiraang kotse sa EDSA bagkus ay dadalhin na lamang sa pinakamalapit sa car repair shop.

Facebook Comments