Pagdami ng barko ng China sa Escoda Shoal, hindi pa maituturing na naval blockade

Sa gitna ng lumolobong bilang ng mga barko ng China sa Ayungin at Escoda Shoal sa West Philippine Sea, hindi pa rin ito maituturing na naval blockade.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, mas akmang tawagin ang tumaas na presensya ng mga barko ng China na ICAD o illegal, coercive, aggressive at deceptive.

Nabatid na ang naval blockade ay isang act of war na regulated ng International Law.


Base sa datos ng September 17 hanggang September 23, 2024, sa Ayungin Shoal pa lang, nakapwesto ang 62 na Chinese maritime militia vessels, 9 na Chinese Coast Guard vessels at 1 research vessels.

Habang sa Sabina Shoal naman, namataan ang 55 na Chinese maritime militia vessels, 16 na Chinese Coast Guard vessels at 11 na People’s Liberation Army Navy.

Sinabi pa ni Trinidad na kinokonsidera ng pamahalaan ang iba pang opsyon upang maresolba ang nagpapatuloy na iligal na presensya ng mga barko ng China sa WPS.

Facebook Comments