Pagdami ng bilang ng mga bibiyahe pabalik ng Metro Manila, inaasahan na ngayong araw sa mga expressway

Inaasahang darami pa ng bilang ng mga bibiyahe pabalik ng Metro Manila ngayong araw.

Kasabay ito ng pag-abot sa 10% ng mga nadagdag sa mga motoristang dumaan sa expressway.

Ayon kay Robin Ignacio, traffic senior manager ng North Luzon Expressway (NLEX) at Subic – Clark – Tarlac Expressway (SCTEX), nasa 3,025 ang dumaraan sa karaniwang araw.


Nagdagdag naman ng cash lanes sa NLEX at SCTEX para tugunan ang mga pagdami ng mga motoristang lumuwas ngayong Undas.

Samantala, sa SLEX, skyway at star tollways ay naobserbahan na mas maraming motorista ang dumaan kumpara noong nakaraang taon na aabot sa 370,000 motorista.

Facebook Comments