malaki ang pananagutan ni pangulong rodrigo duterte kung bakit tumaas pa ang unemployement rate sa bansa.
ito ang inihayag ni kilusang mayo uno secretary general jerome adonis matapos umabot na ngayon sa 4.25 million na pilipino ang walang trabaho batay sa datos ng philippine statistics authority hanggang nitong setyembre.
sa interview ng rmn manila, sinabi ni adonis na nagkaroon ng kapabayaan ang administrasyon sa pagtugon sa covid-19 pandemic kung kaya’t lumala ang bilang ng mga unemployed.
dagdag pa aniya sa dagok ng mga pilipino ang patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin kasama na ang presyo ng produktong petrolyo.
dahil dito, muling inihirit ni adonis sa pamahalaan na mabigyan muna ng ayuda ang mga pilipinong walang trabaho.
Facebook Comments