Kinumpirma ng Philippine Navy na mayroong na-monitor na pagdami ng Chinese vessels sa West Philippine Sea.
Ito ang sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad kasabay nang pag-arangkada ng Balikatan Exercise 2024.
Batay sa latest monitoring ng Philippine Navy, mayroong mahigit 100 Chinese maritime militia vessels ang namataan sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea mula April 16-22, 2024.
Sa nasabing bilang 110 ang Chinese maritime militia vessel, 11 Chinese Coast Guard at 3 People’s Liberation Army Navy.
Partikular na namataan ang mga ito sa Ayungin Shoal, PAGASA Island, Parola island, Lawak island, Panata Island at Patag Island.
Facebook Comments