Pagdami ng dumarating na mga kargamento sa mga pantalan, inaasahan ngayong buwan

Nakapagtala ang Philippine Ports Authority o PPA ng pagtaas sa container traffic na 7.6% kumpara noong nakalipas na taon.

Ibig sabihin, patuloy ang dating ng mga container ng iba’t ibang produkto sa mga pantalan.

Pero, sinabi ni Eunice Samonte, tagapagsalita ng PPA na hanggang ngayong araw, wala naman silang naitalang port congestion at wala silang backlog.


Sa katunayan, nasa 84.98% aniya ang kanilang yard utilization o lawak ng lugar sa port na nagagamit sa mga container sa ngayon.

Ibig sabihin nito, meron pang space para sa mga dumarating pang mga cargo, na walang magiging problema sa mga pantalan.

Aminado naman si Samonte na inaasahan nila na darami pa ang darating na mga cargo galing sa ibang bansa habang dumadaan ang mga araw at posibleng magkaroon ng konteng pagkaantala sa pag-deliver ng mga kargamento.

Facebook Comments