Pagdami ng investment sa bansa, nakatulong sa paglago ng ekonomiya – PBBM

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakatulong ang mga investment sa ilalim ng Build Better More ng pamahalaan sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ito’y matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago ng 6.3 % ang ekonomiya ng bansa sa ikalawang quarter ng taon kumpara ng nakalipas na taon at isa sa pinakamataas sa ASEAN.

Ayon sa pangulo, bagama’t maganda ang datos, wala itong kabuluhan kung hindi maramdaman ng mga Pilipino.


Dahil dito, patuloy aniyang magsisikap ang pamahalaan na maibigay ang sapat at de kalidad na trabaho.

Ibinida rin ng pangulo ang pagbaba ng unemployment rate sa bansa at pagbabago ng antas ng kahirapan.

Sabi ng pangulo, abot kamay na ng gobyerno ang adhikain na maiangat sa kahirapan ang bawat Pilipino, kung kaya’t patuloy na mamuhunan ang pamahalaan hangga’t hindi nakakamit ang pagbabago sa lipunan at sa ekonomiya.

Facebook Comments