Pagdami ng kaso ng mga nagkakasakit tulad ng trangkaso, asahan sa pagpasok ng susunod na taon ayon sa isang eksperto

Mas dadami pa ng mga kaso ng influenza like illnesses o ILL hanggang sa unang buwan ng susunod na taon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases expert at presidente ng Philippine College of Physicians na ang dahilan nito ay ang lumalamig na panahon, at mas maraming maulang araw.

Ngunit ayon kay Solante, kung ikukumpara ang mga kaso ngayon at noong isang taon, sa parehong panahon ay kakaunti lamang ang itinaas ng kaso.


Malamit aniyang sintomas ng ILL ay pananakit ng katawan, ubo, sipon, sakit ng lalamunan katulad ng sintomas din ng trangkaso.

Inamin ni Solante na mahirap matukoy kung ang nararamdaman ay ang trangkaso o ang katulad lamang na karamdaman dahil pare-pareho ang sintomas nito.

Karaniwan din aniya ay tumatagal lamang ito ng tatlo hanggang apat na araw at mawawala na pero kapag lumagpas na aniya ito sa mas mahabang panahon lalo na sa mga vulnerable population at naging kumplikado, posible aniyang COVID-19 na ang taglay nilang sakit.

Kaya mas mabuting kapag nakatatanda o bata ang may sintomas maiging manatili na lamang muna sa bahay para hindi na makahawa pa.

Facebook Comments