Naganap ang isang pagpupulong ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan at hanay ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) Municipal Health Office (MHO), at ang mga punong barangay at iba pa ukol sa pagdami ng kaso ng pagkalunod sa Angalacan River sa bayan.
Bunsod ito ng pinakahuling tala na kaso ng pagkamatay dahil sa pagkalunod sa nasabing ilog nito lamang April 25.
Unang tinalakay ang hindi man tahasang pagbabawal ngunit paglilimita sa mga residente sa paliligo sa Angalacan River.
Binigyang diin din sa pagpupulong ang mga markers na siyang tutukoy kung malalim na bang parte ito ng ilog nang magsilbi itong babala na nasa malalim nang bahagi ang paroroonan ng mga maliligo at lumalangoy.
Saad ng alkalde ng bayan na kinakailangang magbenchmark, aralin ang ilog nang sa ganun ay maipagbigay alam ito at mainmform ang mga residente sa bayan sa mga nararapat na kaalaman ukol dito lalo na at tiyak itong dadagsain ng mga tao dahil tag-init na.
Ilan pang usapin ang natalakay tulad nang pagbibigay ng takdang oras sa pagligo, pagtatalaga sa mga barangay tanods na silang magbabantay, at ang pagkakaroon ng sari-sariling raft o balsa na magagamit ng mga ‘rescuers’ sakaling kailangang magsagawa ng Search and Rescue Operation.
Ilan pang mga proyekto at usapin dito ang inaaral upang mas matutukan ang mga residenteng dumadayo sa nasabing ilog at maiwasan ang kaso ng pagkalunod ng bayan.

Facebook Comments