Naka-monitor ang Philippine Navy (PN) sa presensya ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay PN Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, bagama’t tumaas sa 122 ang bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea nitong linggo kumpara sa nakalipas na linggo na 104 ay hindi pa ito maituturing na nakakaalarma.
Pasok pa kasi aniya ang 122 sa range na mino-monitor nila dahil 159 ang pinakamaraming barko na na-monitor ng Navy sa WPS.
Samantala, nilinaw ni RAdm. Trinidad na bagama’t 3, 000 hectares na ang lawak na na-reclaim ng China sa buong South China Sea ay wala naman silang reclamation ng bagong sites na ginagawa.
Una nang sinabi ng PN na kabilang sa mga na-reclaim ng China ang Mischief Reef at Johnson reef at maging ang Subi reef na nasa labas ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng bansa kung saan mayruon ng major bases ang China.