Pagdami ng mga namamatay sa COVID-19, hindi pwedeng isisi sa mga naglalabasang variant ayon sa isang eksperto

Muling iginiit ng isang eksperto na ang paglaki pa rin ng kaso ang sanhi ng mas maraming namatay dahil sa COVID-19 sa bansa.

Ito ang nilinaw ni Dr. Rontgene Solante, infectious disease expert ng San Lazaro Hospital, sa gitna ng mga pangamba sa mga naglabasang variant ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Dr. Solante, hindi maitatanggi na may epekto ang variants ng COVID-19 sa pagtaas ng mga kaso.


Gayunman, hindi dadami ang hawaan at namamatay kung sumusunod lamang sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at social distancing ang publiko.

Dagdag pa ni Dr. Solante, malaking bagay rin na magpabakuna dahil makakatulong ito para mabawasan ang matinding sintomas ng COVID-19.

Sinabi pa ng doktor na hindi dapat matakot ang publiko sa bakuna dahil malaki ang maitutulong nito para maiwasan ang impeksyon.

Facebook Comments