Pagdami ng mga out-of-school youth dahil sa kawalan ng face-to-face classes, ibinabala ni Sen. Sotto

Ibinabala ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang lalo pang pagdami ng mga out-of-school youth dahil sa kawalan ng face-to-face classes.

Kasunod ito ng ulat ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) na maraming mahihirap ang hindi makapag-aral nang maigi sa ilalim ng distance learning dahil sa kakapusan sa gamit.

Kaya kapag natagalan pa na hindi sila nakakapasok sa eskwela, malaki ang tiyansang tumigil na sila sa pag-aaral at maagang magbuntis o mag-asawa o di kaya’y mabiktima ng sexual exploitation at karahasan.


Sa ngayon, 14 na bansa na lang sa buong mundo ang sarado pa rin ang mga eskwelahan kabilang na ang Pilipinas –– ang nag-iisang bansa sa Southeast Asia na hindi pa nagbabalik ng face-to-face classes.

Kaugnay nito, isinusulong ngayon ng senado na maibalik ang face-to-face classes sa pamamagitan ng paglulunsad ng pilot testing ng localized limited physical classes sa mga lugar na wala o may mababang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments