Pagdami ng mga resort sa bansa, nakapagbukas ng higit 1-M na trabaho sa mga Pinoy

Patuloy pang dumarami ang mga nagkakaroon ng trabaho pagdating sa accommodation sector ng bansa o mga negosyong may kinalaman sa hotel at resort business.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Tourism Secretary Maria Cristina Frasco, nasa 1.45 million na mga trabaho ang naibigay sa mga Pilipino nagdaang taon sa naturang sektor.

Ito’y sa gitna ng malaking pagbangon sa larangan ng accommodation sa bansa dahil sa nagdaang pandemya.


Lumakas din aniya ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan para sa tourism infrastructure and accommodations.

Patunay rito ang higit 500 billion tourism-related investments noong 2023 at ang nasa 6.21 million jobs na trabahong nabuksan ng tourism industry.

Facebook Comments