Inaksyunan ng Sangguniang Bayan ng Bautista ang mga isyu at hinaing ng Transport Operators and Drivers Association (TODA) sa partikular ang pagdami ng namamasadang colorum.
Ayon sa mga kinatawan ng TODA, malaking hamon ang lumalaking bilang ng mga colorum na tricycle para sa kanilang mga miyembro na nagbabayad at tumatalima sa itinakdang regulasyon para magkaroon ng prangkisa.
Ipinahayag din ang iba pang hakbang para sa kaligtasan, at pagpapabuti ng serbisyo.
Ang mga naturang usapin ang nais solusyunan ng Sanggunian sa paghahain ng panukala upang masiguro ang maayos at responsableng operasyon ng lahat ng pampublikong transport group sa bayan.
Samantala, bukod dito, apela naman ng ilang residente ang angkop na kasuotan kalakip ng pagpapaskil ng fare matrix sa mga sasakyan kapag pumapasada









