Pagdami ng nasasawi sa bansa dahil sa breast cancer, ikinabahala ng isang kongresista

Ikinabahala ni House Committee on Science and Technology Vice Chairperson at Cavite 8th District Rep. Aniela Tolentino ang pagiging pangalawa ng breast cancer bilang pangunahing dahilan ng pagkamatay sa hanay ng mga Pilipina.

Tinukoy rin ni Tolentino ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Health (DOH) na tatlo sa kada 100 Pinay ay nagde-develop ng breast cancer sa kanilang buhay.

Bunsod nito ay iginiit ni Tolentino na mas palawakin pa ang “information dissemination campaign” at mga programa upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng breast cancer sa Pilipinas.


Ang apela ni Representative Tolentino ay nataon din sa paglulunsad ng “Breastie Bestie Health Caravan” na layuning magbigay at magpa-igting na kaalaman ukol sa breast cancer, at “advances” sa siyensya para magamot ang mga pasyente.

Binanggit ni Tolentino na katuwang ng programa ang Asian Breast Center, kung saan libre ang breast cancer screening sa pamamagitan ng modernong diagnostic technology tulad ng state-of-the-art na mga makina na “touch-free, pain-free at radiation-free” para sa mga sasailalim sa exam.

Facebook Comments