Nakapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) na pagbagal ng pagdami ng populasyon sa Pilipinas nitong 2020.
Ayon sa PSA, nakapagtala ng downtrend o pababa na antas ang population growth kung saan aabot sa 109 million ang kabuuang bilang ng populasyon sa bansa.
Mas mataas ito kumpara sa naitalang mahigit 100 million noong 2015.
Pero kumpara naman noong 2010 hanggang 2015 na 1.72 porsiyentong population growth rate, ay bumaba ito ng 1.63 porsiyento mula 2016 hanggang 2020.
Ayon kay PSA Civil Registrar General Dennis Mapa, isa sa mga rason ng pagbagal ng pagtaas ng populasyon ay ang preference ng maraming pamilya na mas maliit ang family size.
Sa ngayon, naniniwala ang Commission on Population and Development sa magandang epekto ng mabagal na pagdami ng populasyon sa ekonomiya ngunit dapat anila itong sabayan ng iba’t ibang programa.