Pagdami ng pro-Marcos sa OCTA survey, good news para kay PBBM

Welcome kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagdami ng mga sumusuporta sa administrasyong Marcos.

Ito’y kasunod ng pinakahuling resulta ng OCTA research survey na tumaas ang pro-Marcos sa 36% noong Hunyo mula sa 31% noong Marso.

Ayon sa pangulo, na natutuwa siyang malaman na nakikita na ng publiko ang mga ginagawa ng administrasyon.


Patuloy lang din daw aniyang magtratrabaho ang administrasyong Marcos para mga Pilipino.

Pero giit ng pangulo, ang lahat nang kanilang ginagawa ay para sa ikagaganda ng buhay ng mga Pilipino at sa ikabubuti ng bansa at hindi para tumaas sa survey.

Matatandaang lumabas rin sa parehong survey na nabawasan ang mga Pilipinong pro-Duterte mula 20% noong Marso sa 16% noong Hunyo.

Facebook Comments