Pitong porsiyento lang ng mga produktong agrikultural na pumapasok sa Pilipinas ang itinuturing na underreported o smuggled.
Pero ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, nakaalarma pa rin ang tumtaas na bilang ng mga produktong naipupuslit sa bansa.
Nabatid na noong 2019, 1% lang ang naitatalang smuggled na agricultural products, 6% noong 2020 hanggang naging 10% na noong 2021.
Ang mas malaking problema aniya, kahit talamak ang smuggling ay nananatiling mahal ang presyo ng mga naturang produkto.
Batay sa economic law ng supply at demand, bumababa ang presyo ng mga produkto kapag may oversupply.
Facebook Comments