Kumpiyansa ang Asian Development Bank o ADB na lalago pa ang ekonomiya ng Pilipinas kumpara sa inaasahan ngayong 2022
Ayon sa ADB, ito ay dahil sa tumataas na demand sa trabaho gayundin ang unti-unting pagbawi ng turismo matapos ang COVID-19 pandemic.
Batay sa pagtaya ng ADB sa kanilang outlook, posibleng pumalo sa 7.4 percent ang ekonomiya ng Pilipinas na mas mataas sa kanilang September forecast na 6.5 percent.
Dagdag pa ng ADB, posible namang bumagal ang Gross Domestic Product o GDP growth ng Pilipinas para sa susunod na taon mula 6 hanggang 6.3 percent.
Binigyang diin pa ng ADB na ang paglago na ito ng ekonomiya ng Pilipinas ay lubhang mas mataas kumpara sa iba pang mga bansa sa Timog-Silangang Asya na naitala sa 5.5 percent mula sa dating 5.1 percent para sa taong ito.