Manila, Philippines – Alam ng Department of National Defense na maraming bilang pa rin ng Chinese vessels sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng ulat ni Gregory Poling, Director of Washington-based think tank Asia Maritime Transparency Initiative na karamihan sa mga barko ng China ay nakatambak ngayon sa Subi at Mischief Reefs,
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana taong 2012 ay nagsimula na aniya ang pagdami ng barko ng China sa West Philippine Sea na layon ay takutin ang mga naglalayag sa doon.
Kinumpirma rin ni Sec. Lorenzana na mga militia ng People’s Liberation Army Navy ang sakay ng mga barkong ito.
Sa ngayon, sa kabila na dumami pa ang mga barko ng China sa West Philippine Sea ay walang gagawin ang DND dahil baka mauwi pa ito sa karahasan o putukan.