PAGDAONG NG INTERNATIONAL CRUISE SA LA UNION, PINAGHAHANDAAN NA

Pinaghahandaan na ang paglulunsad ng luxury cruise line sa Northern Luzon na dadaong sa baybayin ng La Union.

Nagsagawa na ng ocular inspection ang iba’t-ibang tanggapan katuwang ang isang international cruise representative upang matukoy ang landing zones, ruta at pamamahala sa traffic sakaling magsimula ang proyekto.

Itatampok sa cruise experience ang iba’t-ibang tanawin at lokal na pagkain sa La Union.

Positibo ang Pamahalaang Panlalawigan sa maidudulot na epekto ng pakikipagsosyo sa international companies sa iba pang programa at proyekto na magpapalakas sa kabuhayan at turismo ng lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments