PAGDAOS NG PALM SUNDAY SA DAGUPAN CITY, DINAGSA NG LIBONG DEBOTONG KATOLIKO

Dinagsa ng mga mananampalataya ng Simbahang Katolika ang iba’t-ibang mga simbahan sa lungsod ng Dagupan kabilang ang St. John Cathedral the Evangelist.

Walong misa ang idinaos kahapon para sa araw ng Palaspas na hudyat ng pagsisimula ng Holy Week.

Ayon sa pamunuan ng simbahan, ang naturang simbahan ang higit dinadagsa sa lungsod, at ito rin ang may pinakamaraming misa na isinasagawa.

Sa mga susunod na araw, inaasahan pa ang mas maraming dagsa ng tao lalo na pagsapit ng araw ng Huwebes dahil sa mga nagsasagawa ng Visita Iglesia.

Samantala, ngayong linggo idadaos ang Semana Santa bilang pagbabalik-tanaw sa naging huling mga araw ni Hesus bago Siya pumanaw upang maisalba lamang ang sanlibutan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments