PAGDAOS NG UNDAS 2025 SAPANGASINAN, INITIALLY PEACEFUL’ — PPO

‘Peaceful’ ang inisyal na assessment ng Pangasinan Police Provincial Office sa pagdaraos ng Undas sa lalawigan ngayong taon.

Batay sa paunang impormasyon na nakalap ng IFM News Dagupan sa tanggapan, basehan ng initial assessment ang zero o negatibong resulta sa crimes against person ang property maliban sa ilang aksidente sa kakalsadahan sa nagdaang long weekend.

Nagpatuloy din ang iba pang operasyon kontra kriminalidad ng pulisya, dahilan upang maaresto ang higit tatlumpong Top Most Wanted at Most Wanted Persons sa lalawigan, kabilang ang agarang pagresponde sa pagnanakaw sa isang convenience store sa Villasis na kinaarestuhan ng armadong suspek sa loob ng isang minuto.

Ayon sa tanggapan, kasalukuyan pang binubuo ang kabuuang ulat mula sa Operations Unit batay sa lahat ng himpilan ng pulisya sa Pangasinan upang makapaglabas ng opisyal na assessment kasunod ng Undas ngayong taon.

Kaugnay nito, tiniyak ng kapulisan ang katatagan sa walang tigil na pagbabantay sa kaligtasan ng publiko sa anumang oras.

Facebook Comments