MANILA – Pinag-aaralan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagdaragdag ng mga barkong magpapatrolya sa karagatang bahagi ng Mindanao.Ayon kay PCG officer-in-charge rear admiral Joel Garcia – ito’y para maiwasan ang paglala ng sitwasyon sa lugar dahil sa posibleng pagsalakay ng mga pirata at ng mga bandidong Abu Sayyaf.Partikular na babantayan ang mga sasakyang-pandagat ng pamahalaan sa sibutu passage sa Tawi-Tawi.Maliban dito, isinusulong din ng PCG ang paglalagay ng radar station para mas mabantayan ang naturang isla kung saan may naitalang 13 insidente ng pamimirata.
Facebook Comments