
Pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad ngayong umarangkada na ang local campaign period.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, iniutos ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na siguraduhing mapananatili ang police visibility sa mga campaign sorties, pati na rin sa mga aktibidad ng mga local at national candidates.
Kasama sa utos ni Marbil ang pag-extend kung kinakailangan ng karaniwang 12-oras na shifting ng mga pulis depende sa sitwasyon sa kani-kanilang lugar.
Wala na ring pinayagang mag-leave maliban na lamang kung emergency ang dahilan.
Sinabi pa ni Fajardo na naka-heightened alert na rin ang buong PNP na nangangahulugang 75 percent na ang deployment ng kanilang pwersa.
Facebook Comments