PAGDARAGDAG NG STRAND SA TVL TRACK, PINAPLANO NG SILLAWIT NHS

Cauayan City – Isa sa pina-plano ng pamunuan ng Sillawit National Highschool ay ang pagtatatag ng karagdagang strand sa Technical Vocational Livelihood (TVL) program sa Senior High School.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay SNHS Principal Renato Barientos, base sa isinagawang survey lumalabas na isa sa mga programang kailangang idagdag sa TVL Track ay ang kursong may kaugnay sa Small Engine Automotive Mechanic.

Ayon kay Ginoong Barrientos, makatutulong ito sa mga estudyante lalo na’t nakikita nilang ang Brgy. Sillawit ay nagiging sentro na ng mga negosyong may kaugnay sa pagmemekaniko.


Aminado naman si Ginoong Barientos na hindi basta-basta ang pagdadaanang proseso ng pag re-request dahil bukod sa sa maraming dokumento at requirements, dadaan pa ito sa masusing pag-aaral bago tuluyang maaprubahan.

Sinabi naman ni Ginoong Barientos na kung sakaling maaprubahan, malaking tulong ito para sa mga estudyante lalo pa’t mayroon na silang mga nakausap na partner agencies na tutulong sa mga bata.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Facebook Comments