Pagdaragdag sa pondo ng DA sa ilalim ng 2025 proposed national budget, isinusulong ng AGRI Party-list

Iginigiit ni AGRI Party-List Rep. Wilbert Lee na madagdagan ang salaping gastusin ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa taong 2025.

Batay sa isinumiteng pondo nasa ₱211.3 bilyon ang panukalang budget ng DA sa susunod na taon.

Pero, lumitaw sa budget briefing ng Development Budget Coordinating Council na tinapyasan pa ang hinihinging pondo ng ahensya.


Ayon kay Lee, mas mataas pa kasi ang budget ng DA ngayong 2024 na umaabot sa ₱221.7 bilyon.

Ibig sabihin, sampung bilyong piso ang ikinaltas sa budget ng DA.

Una nang inihirit ng DA ang ₱513 bilyon na pondo nito sa 2025 upang maipatupad ang mga programa para sa modernization ng ahensya.

Naniniwala si Lee na makatwiran lang na may sapat na pondo ang DA dahil sa mga hamon na dulot ng El Niño at sa nagbabantang La Niña.

Facebook Comments