Naniniwala si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na magiging malaki ang epekto ng COVID-19 pandemic sa 2021 Southeast Asian Games.
Ayon kay Tolentino, mababawasan ang pondo ng Vietnam para sa SEA Games kaya malaki ang tiyansa na mabawasan ang events.
Pero naniniwala naman siyang matutuloy ang SEA Games sa kabila ng pandemic dahil sa matagumpay na paglaban ng naturang bansa dito.
Sa ngayon, pinaplano ni Tolentino na ituloy ang mga events na nagbigay sa Pilipinas ng malaking tagumpay noong 2019 SEA Games tulad ng dancesport, kickboxing, arnis at obstacle course.
Ang Vietnam ang magiging host ng 2021 SEA Games na itinakda sa Hanoi sa November 11 hanggang December 2.
Facebook Comments