Tuloy ang pagdaraos ng 2022 election kahit may banta ng Omicron variant ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Comelec Director Teopisto Elnas Jr., mandato ng Comelec na idaos ang eleksyon sa itinakdang petsa sa May 9, 2022.
Tiniyak naman ni Elnas na gagawin ng Comelec ang lahat ng makakaya nito upang maging maayos at ligtas ang eleksyon.
Sa ngayon, lilimitahan na ng Comelec sampu hanggang labinlimang katao ang papapasukin sa mga polling precints para makaboto sa eleksyon.
Kasama sa mga mahigpit na babantayan ang pagsunod sa health protolcols tulad ng; pagsusuot ng face mask, social distancing, temperatura, paglabas at pagpasok ng voting centers at iba pa.
Sa Enero 2022 itinakda ang pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin sa eleksiyon.
Facebook Comments