Magiging malaking hamon sa Comission on Elections (Comelec) ang nalalapit na pagsasagawa ng 2022 elections.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, magiging iba ang 2022 national elections dahil sa kinakaharap na COVID-19 pandemic ng bansa.
Habang pag-amin pa ni Guanzon, hindi siya ganoong tiwala na maaabot ng bansa ang herd immunity bago ang 2022 polls sa May 2022.
Kasunod nito, umaasa naman ang Comelec na makatutulong ang mga eksperto upang matukoy ang expenses sa social media na maaaring gamitin sa pagkwenta ng mga ads.
Limitado kasi aniya ang kakayahan ng ahensiya na kontrolin ang social media dahil wala silang sapat na teknolohiya kaugnay rito.
Facebook Comments