Tuloy ang may 2022 national and local elections kahit sa gitna ng pandemya bunsod ng COVID-19, ito ang tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) dito sa sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Provincial Election Officer Atty. Marino Salas, nakasaad sa saligang batas ang pagdaraos ng eleksyon, maliban na lamang kung maaamyendahan ang konstitusyon para ipagpaliban ang pagsasagawa nito.
Magiging kakaiba umano ang pagsasagawa ng eleksyon sa susunod na taon dahil sa kailangang sumunod sa health protocols upang masiguro ang kaligtasan ng mga gurong magsisilbi sa halalan gayon din ang mga botante na maaaring magdagsaan ang mga ito sa mga polling precincts.
Ilan umano sa mga pinag-aaralan ng COMELEC ay bawasan ang bilang ng mga tao sa loob ng polling precincts at pahabain sa higit sa walong oras ang panahon ng pagboto para maiwasan ang siksikan ng mga tao.
| via Idol Arman Soriano