Pagdaraos ng mga aktibidad ngayong Semana Santa sa Isabela, Kanselado

*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ng pamunuan ng Our Lady of the Pillar Church sa Cauayan City na kanselado ang lahat ng aktibidad sa pagdaraos ng Semana Santa bunsod ng umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Ito ay matapos magpalabas ng kautusan ang pamunuan ng Diocese of Ilagan sa pangunguna ni Most Reverend David William Antonio.

Ayon kay Bro. Arthur Desueros, kanselado hanggang Abril 14 ang lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa paggunita ng Lenten Season.


Kabilang sa kanselasyon ang Station of the Cross, Adoration of the Blessed Sacrament o Visita Iglesia maging ang Washing Feet tuwing Maundy Thursday.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ng simbahang katolika ang publiko na manatiling makinig sa mga radyo at manood sa telebisyon bilang alternatibong paraan sa pagdaraos ng Semana Santa.

Giit pa ng simbahang katolika na hindi matitinag ang pananampalataya ng publiko bagkus ito ay mapagtitibay pa sa kabila ng nararanasang banta ng corona virus o covid-19.

Facebook Comments