PAGDARAOS NG MGA NON-ESSENTIAL GATHERINGS TULAD NG SAYAWAN, MARIING IPINAGBABAWAL NG LGU SAN CARLOS

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Mariing ipinaalala ngayon ng lokal na pamahalaan ng San Carlos ang pagdadaos ng non-essential mass gatherings matapos makitang marami sa mga residente ang nagdaraos nito partikular sa mga tagong lugar.

Pinahihintulutan naman umano ang mga importante o essential gatherings tulad ng kasal at iba pa ngunit bawal ang mga “baile”, “banda”, “orchestra” at iba pang aktibidad na hindi ayon sa polisiya.

Kaugnay pa nito, hindi lilimitahan ang araw ng lamay ngunit inaatasan na ang lahat ng mga kapitan at barangay officials na i-monitor ang mga ito upang masigurado na maayos na napapairal ang mga polisiya.


Limitado lamang din sa 30 katao ang maaaring sumama sa prosesyon at sa seremonya ng paglilibing.

Ang mga Religious Gatherings ay patuloy pading pinahihintulutan na may 50% capacity ngunit ang mahigpit na pagsunod sa health protocols ay dapat ipatupad.
Ang lalabag dito ay agad na susulatan ng Lokal na Pamahalaan na maaaring mauwi sa pagmumulta at pagpapatigil at pagpapasara ng lugar.

Itinalaga din ang mga Barangay Units upang magsagawa ng pag-iikot at aktibong pagpapatupad ng mga protocol laban sa covid-19 sa kanilang nasasakupan, kabilang dito ang pagsita at paghuli sa mga lumalabag sa curfew, sa hindi pagsusuot ng mask, overloading at mga talipapa na hindi sumusunod sa polisiya .

Facebook Comments