Pagdaraos ng mga religious gathering sa mga lugar na nakasailalim sa GCQ, pinayagan na ng IATF

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious DIseases (IATF-EID) ang pagdaraos ng mga religious gathering sa mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine (GCQ).

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangan pa ring magpatupad ng social distancing at sumunod sa iba pang safety protocols.

Tulad ng one-meter na distansiya sa transportasyon, two-meters na distansiya sa religious at work meetings.


Pagbabawalan din aniya ang mga edad 60 pataas na makalabas sa bahay, maliban na lang sa ilang sirkumstansiya.

Kasabay nito, nilinaw naman ni Roque na maaari nang payagang makapasok sa mga lugar na nakasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang mga online shopping ng mga damit.

Pero kailangan pa ring sumunod sa health protocols para maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19.

Facebook Comments