Pansamantalang sinuspinde ng mga simbahan sa Maynila ang pagdaraos ng misa epektibo ngayong araw, March 22.
Ito ay bilang pagtalima sa health protocols ng gobyerno, partikular na ang physical distancing.
Kabilang sa mga simbahan sa Maynila na pansamantalang nagsuspinde ng misa ang:
—Manila Cathedral
—Minor Basilica of the Black Nazarene or Quiapo Church
—Santo Niño de Tondo Parish
—Santo Niño de Pandacan Parish
—San Sebastian Church
—San Agustin Church, Intramuros
Bunga nito, maari munang lumahok ang mga residente ng Maynila sa religious activities sa pamamagitan ng live streaming ng mga simbahan sa Facebook.
Hinimok naman ni Department of Tourism (DOT), Culture and Arts of Manila (DTCAM) Director Charlie Duñgo ang publiko na taimtim na manalangin sa mga tahanan ngayong dadating na semana santa na sana ay matapos na ang COVID-19 pandemic.