Inirekomenda ng Philippine Medical Association (PMA) sa pamahalaan ang pagkakaroon ng National Vaccination Day para sa mga batang may edad 5 hanggang 11 laban sa COVID-19.
Ayon kay PMA President Dr. Benito Atienza, kailangan ito para makaliban ang mga magulang sa trabaho at masamahan ang kanilang anak sa vaccination sites.
Aniya, mahalaga ang mga magulang sa mismong araw ng pagbabakuna para mabantayan ng husto ang mga bata.
Maliban dito, iminungkahi rin ni Atienza na magtakda ng vaccination sites na angkop sa mga bata katulad ng pagkakaroon ng maayos na bentilasyon, may playground, at maglagay ng informational videos para hindi mainip ang ito.
Facebook Comments