Pagdaraos ng summit ukol sa pagtitipid sa petrolyo, iminungkahi ng isang senador

Iminungkahi ni Senator Francis Tolentino sa papasok na Marcos administration na agad magsagawa ng summit o pulong ng pribado at pampublikong sektor.

Ayon kay Tolentino, layunin nito na talakayin ang mga paraan para makatipid sa konsumo ng produktong petrolyo sa harap ng walang humpay na pagtaas ng presyo nito.

Pangunahing tinukoy ni Tolentino na paraan ng pagtitipid sa langis ay ang pagbabalik o pagpapatuloy ng work-from-home (WFH) arrangements sa gobyerno at mga pribadong kumpanya.


Kabilang din sa suhestyon ni Tolentino ang calibration o pagbabawas muna sa araw ng pasok sa eskwela para sa mga magbabalik na sa face-to-face classes.

Diin ni Tolentino, kailangan nang mag-ambag lahat ng aksyon at ideya upang magkatulungan at maibsan ang paggamit ng petrolyo.

Facebook Comments